Thursday, March 4, 2010

UMPOY

Umasa nga ba at labis lang na nagtiwala,
sa mga maganda at matamis mong salita,
sa aking pandinig hatid ay ligaya,
sa aking puso kakaiba ang nadarama.

Mali bang ibigin, mahalin ang tulad ko?
kaya ang 'yong puso'y kayhirap matamo,
nasaktan ma't nasugatan, pinilit na tumayo,
dahil pag-ibig sa'yo mahal ko ay hindi maglalaho.

Pilitin mang ibaon at tuluyang kalimutan,
dahil sa natanong sugat at pait ng nakaraan.
hindi nagpatalo at padaig sa aking kalungkutan,
sa halip ikaw, labis lang pinahalagahan.

Oo nga't mahal pa, kahit ang sakit-sakit na,
sa aking pag-iisa, ika'y laging alaala,
kahit may mahal ka mang iba,
sa puso ko, ikaw lang at ikaw talaga.

Yurakan man buo kong pagkatao,
baliw man ituring kapwa ko,
dahil pagtibok ng aking puso,
laging ikaw, pangalan mo ang sigaw nito.

sakit'y di alintana, dahil puso'y mapagparaya,
sapagkat mahal ka handang magpaubaya.
ang tulad ko'y walang magawa kundi ang lumuha,
dahil alam ng puso, sa kanya ka liligaya.

masakit mang isipin at kayhirap tanggapin,
sa kwento nati'y sadyang walang happy ending.
kahit sa t'wina, sa Panginoon ay hiling,
UMPOY paalam na, hindi ka na makakapiling.